Unang Asiad Lifting Gold ng Pilipinas Dale ni Diaz!

by | Aug 22, 2018

JAKARTA – WINAKASAN na ni Hidilyn Diaz ang halos pitong dekadang pagkauhaw sa gold medal, at 48 taong tagtuyot sa medalya ng Pilipinas nang ideliber niya kagabi ang buena-manong gold sa 18th Asian Games 2018 sa kasagsagang ginaganap na 18th Asian Games 2018 sa pangunahing lungsod na ito ng Indonesia.

Namayagpag ang 27-anyos na dalagang tubong Zamboa nga City sa weightlifting women’s 53-kilograms event sa kaligayan ng mahigit sa 100-milyong Pinoy saan mang panig ng mundo at sa mga nasa Jakarta International Expo Hall A.

Dinaig ng Pinay hoister sa nabuhat na kabuuang 207kilogram sina Turkmenistan’s Kristina Shermetova na nag-silver sa 206 kg total lift at Khambao Surodchana ng Thailand nan aka-201.

Kasunod ito ni Diaz sa silver medal niya sa 31st Summer Olympic Games 2016 sa Rio de Janeiro at silver-bronze din niya sa 83rd Men’s & 26th Women’s WWC 2017 sa Anaheim, California. milking pagresbak tapos mabokya sa 2014 Incheon Asiad.

Siya’y nag-qualify sa AG si Diaz dahil sa pagsegunda sa Rio de Janeiro Olympics sa nakalipas na Agosto. Nasundan ito ng kanya pang silver-bronze din sa 83rd Men’s & 26th Women’s WWC 2017 sa Anaheim, California noong Disyembre.

Ito’y naging pambwelta rin niya tapos mabokya sa Incheon 2014 Asiad.

At higit sa lahat nakaabangers na kay Diaz ang tumataginting na insentibong P6-milyon.

Bago dumating ang matamis na gold, ang mga medalya pa lang ng bansa sa Asiad lifting ay limang silver mula sa huling nanalong si Salvador del Rosario noong 1970 sa Bangkok, Pedro del Mundo, Rodolfo Caparas at Rodrigo del Rosario noong 1954 sa Manila, at Rodrigo ulit noong 1951 sa New Delhi.

Sina Pedro Landero, Joaquin Vasquez at Alberto Nogan ang mga naka-bronze noong 1951, 1954  1958 sa Tokyo, ayon sa pagkakasunod.(Ramil Cruz)

I’m overjoyed by Hidilyn’s victory. I was entering a Meeting with some Asean sports leaders when I got the news and I needed a few moments to compose myself before I went in. I was overcome by emotion. I just saw her yesterday at the Athletes Village and she was so calm. Mabuhay ka, Hidilyn! You made the country proud again. You are an inspiration to your fellow athletes who will surely want to emulate you. Galing!” ani Philippine Olympic Committee president Victorico ‘Ricky’ Vargas.

Sports

Share This

Share This

Share this post with your friends!