Mga Bata ni Tamayo Sablay sa Medalya

by | Jul 24, 2018

WALANG nahampas na medalya ang mga bata ni Philippine Soft Tennis Association president Jeff Antonio Tamayo, Jr. sa katatapos na 17th China International Soft Tennis Championships sa Taizhou Sports Center Zhejiang, China.

Umabot lang sa women’s doubles quarterfinals ang tambalan nina Noelle Conchita Corazon ‘Bien’ Zoleta-MaƱalac at Princess Catindig.

Nakapambulaga nga sina Noel Damian, Jr. at Joseph Arcilla ng mga Korean player sa men’s singles event. Pero nagsisablay ring makarating ng medal round sa siyam na araw na hambalusan.

May 115 players ng 14 teams mula sa China A, China B, South Korea A, SoKor B, SoKor C, Japan A, Japan B, Poland, Czech Republic, Thailand, North Korea, Chinese Taipei A, CT-B at Philippines ang mga sumali sa kompetisyon.

Ito ay bahagi ng paghahanda ng Filipino soft netters para sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta at Palembang, Indonesia sa parating na Agosto 18-Setyembre 2.(Ramil Cruz)

Sports

Share This

Share This

Share this post with your friends!