Mga Bata ni Goma Walang Nakuhang Medalya sa Bangkok

by | Jul 19, 2018

SA wala nang isang buwan, mukhang marami pang dapat ayusin ang mga bata ni Philippine Fencing Association, Inc. Richard ‘Goma’ Gomez para sa 18th Asian Games 2018 sa parating na Agosto 18-Setyembre 2 sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Ito’y kung ang 22nd Asian Fencing Championships 2018 noong Hunyo 17-22 sa Rangsit Campus, sa Bangkok, Thailand ang magiging sukatan, kung saan na-zero sa medalya ang ang sumabak na 21 bataan ni Ormoc City Mayor Gomez.

Naging top performer sa Filipino fencers sa individual sina Samantha Kyle Catantan sa women’s foil na 18th placer mula sa 64 entries, at si Lawrence Everett Tan sa men’s foil din sa kagaya ring puwesto buhat sa 77 nag-espadahan.

Kasama ni Catantan sa women’s team foil sina Maxine Isabel Esteban (ika-29 sa indibidwal) at Justine Gail Tinio (ika-33 sa indvdl) para sa pumampito sa 16 na koponang kalahok, habang katuwang ni Tan sina Brannan Wayne Louie (24th sa indiv), Nathaniel Perez (28th sa indv) at Micahel Nicanor (59th sa ind) ang nagpaupo sa men’s foil sa ika-9 sa 18 nag-eskrimang eskuwadron.

Sa 85-entry men’s epee ind 46-62-66-73 sina Reynaldo Perez, Jr., Darylle Joshua Lumahan, Jian Miguel Bautista at Lee Eigan Ergina upang pumangsiyam sa 18 sa team. Samantalang sa 67 naglaban sa men’s saber ind ay 39th si Christian Jester Concepcion, 41st si Eric Brando at 63rd si John Paul Dayro, at ang team nila’y ika-12 sa 18 partisipante.

Pang-9 sa women’s epee sa 15 nagkompetensya ang ‘Pinas kung sa ind ay 34th si Hannie Abella, 41st si Anna Gabriela Estimada at 65th si Jaymi delos Santos. Ikalawa sa kulelat sa 13 bumahagi sa women’s team ang PHL kasabay sa paglapag sa ind nina Carla Marie Arreza, Kemberly Camahalan, River Gaddi at Justine Eliza Laura Joseph sa 38th-41st-48th-52nd, ayon sa pagkakabanggit.

Huling tsansa para plantsahin kung may gusto sa mga eskrimador ng bansa sa kanilang sa huling eksposyur bago mag-quadrennial Asiad, sa 79th World Fencing Championships 2018 sa Wuxi Sports Center Indoor Stadium sa Wuxi, China sa Hulyo 19-27.(Ramil Cruz)

Sports

Share This

Share This

Share this post with your friends!