Enero, Army Pinaupo Sa Trono Ang NCR

by | Jul 17, 2018

NASAKOP ng Philippine Army Arnis Team ang ginanap noong Sabado’t Linggo, Hulyo 7-8 na Philippine Eskrima Kali Arnis Federation, Inc. 1st National Battle of the Champions 2018 sa Le Pavilion-Pasay City.

Humataw ang Taguig City-based squad ng 10-5-3 gold-silver-bronze medal upang trangkuhan ang National Capital Region sa pamamayagpag sa torneo at ilagak sa 2nd-3rd-4th ang Mindanao, Visayas at Luzon sa dalawang araw na kompetisyon.

Bida sa atake ng Army sina double gold medalist Ma. Lyca Enero na pinangibabawan ang live stick at padded stick, at Mary Allin Aldeguer na gold sa spade y daga de double baston at may silver sa padded stick.

 Pumalo rin ng gold para sa Troopers sina SSg Villardo Vunamay, Sgt Mike Bañares, Cpl Julius Acosta, Cpl Niño Mark Talledo at Sam Delfin sa live stick, at si Jeric Arce sa solo baston.

Naka-silver naman sina Cpl Gerome Pacatang, PFC Ma. Juana Sorabelto, PFC Norberto Manlapaz at PFC Kimberly Jane Besam  sa live stick, habang naka-bronze sina TSg Allan Doblado at TSg Ronald Rosete sa live stick din.

Inihayag sa Olympic.PH ni Army arnis team coach MSgt Rolindo Catapang,  na 10 Troopers at Lady Troopers ang mangunguna sa 20-national training pool ng PEKAFI na ieendorso ng Philippine Olympic Comittee upang makatanggap ng suporta sa Philippine Sports Commission.

Ang 20 arnisador mga magiging pambato ng mga Pinoy para sa 30th Southeast Asian Games sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 10, 2018.

Sports

Share This

Share This

Share this post with your friends!