Acuña, Valdez Inayawan sa Alok ng US, Singapore

by | Aug 14, 2018

MAHIRAP na ang buhay ngayon, mahirap  na ring kitain ang pera at madaling maubos dahil sobrang mahal at patuloy pang tumataas ang presyo ng mga bilihin.

Pero hindi hadlang mga ito upang masilaw sa pera, at basta na lang ipagpalit ang karangalan nila at ng Pilipinas para sa mga pamilyang Acuña at Valdez na mga bantog sa bansa larangan ng Olympic shooting.

Isang mariing “No” ang tugon ng mga magulang nina Indonesia 18th Asian Games 2018-bound rifle specialists Amparo Teresa Acuña, 21, at Jayson Valdez, 23, sa pagsubok ng dalawang mayamang bansa na mapirata sila dahil sa pagiging magagaling na marksman sa kabila ng pagiging kabataan pa.

Hindi pumayag ama ni Valdez at national coach na si Julius sa pagpapakita ng di matatawarang pagkamakabayan bilang retiradong sundalo (Philippine Marines) sa marangya’t nakatutuksong alok sa anak niya ng Singapore.

Kabilang namang US NCAA schools na nais mabingwit si Acuña ang University of Kentucky na defending champion ngayon sa liga, University of Nebraska, Texas Christian University at West Virginia.

Marami nang napanalunang mga medalya sa iba’t ibang paligsahan ang dalawang manunudla.

“Magaling si Pao (Acuña), at si Jayson. Walang darating na offers sa kanila kundi sila nai-scouts sa mga kompetisyon. Kung nabigyan lang sila nang tamang suporta bago mag-Asian Games malaki tsansa nating maka-gold uli,” text message ni Philippine National Shooting Association pistol director Ronaldo Hejastro sa Olympic.PH. (Ramil Cruz)

Sports

Share This

Share This

Share this post with your friends!