1st PH Asiad Medal, Sasagwanin ng mga Bataan ni Go, Escollante

by | Jul 17, 2018

NASA 27 bataan nina Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation president Jonne Go at head coach Leonora ‘Len’ Escollante ang nangangarap ng makasaysayang unang medalya kapag pumalaot sa 18th Asian Games 2018 sa Palembang-Jakarta, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2.

Sa texts at Yahoo messenger interview ng Olympic.PH kay Escollante kahapon,  napag-alaman na kakampay para sa men’s canoe/kayak  C2  200-meter sprint Hermie Macaranas, at Ojay Fuentes.

Sasagwan din sina Macaranas at Fuentes sa men’s canoe/traditional boat race 200 & 500m kasama sina Jordan de Guia, John Lester delos Santos, Franc Feliciano, Mark Jhon Frias, Oliver Manaig, Roger Kenneth Masbate, Reymart Nevado, Daniel Ortega,  Roberto Pantaleon, Jonathan Ruz, John Paul

Selencio, Jerome Solis, Patricia Ann Bustamante (drummer/ signal) at Maribeth Caranto (steersman).

Aangkla naman sa women’s canoe/traditional boat race 200/500m sina Bustamante at Caranto kasangga sina Apple Jane Abitona, Raquel Almencion, Lealyn Baligasa, Rosalyn Esguerra, Bernadette Espeña, Glaiza Liwag, Aidelyn  Lustre, Sharmane  Mangilit, Ma. Theresa Mofar, Rhea Roa, at Christine Mae Talledo.

Ikalimang paglahok ito ng bansa sa canoe-kayak tapos noong 2002-14 makaraang mapahanay ang water sport na ito sa Asiad, habang unang pagsali sa canoe-traditional boat race o dragonboat sa pangalawang pagsasagawa pa lang nito sapul nung 1990.

Kasapi sina Liwag, Almencion, Abitona, Ruz, Selencioat Frias na gumaod ng dalawang bronze medal sa 1st World Ice Dragon Boat Championships sa Duolon, Inner Mongolia, China noong Enero. Ilan din sa kanila’y napabilang sa nakatig-1 gold at bronze sa Beijing International Dragon Boat Tournament, at nakatig-1 silver-bronze sa isa pang kompetisyon  sa Shenzhen, parehong sa China ilang araw pa lang ang nakararaan.

Ayaw lang magbitiw ng salita nina Go at Escollante maliban sa optimistikong indikasyon ito na madadale na rin ng mga Pinoy ang unang unang medalya sa Asian Games canoe-kayak o canoe-TBR o dragonboat. (Ramil Cruz)

Sports

Share This

Share This

Share this post with your friends!